Print

Doctors and providers who treat this condition

  

Pagharap sa Stress sa Pamamagitan ng Malusog na Pamumuhay

Ang pagharap sa stress ay mas mabilis kung aalagaan mo ang iyong sarili. Magkaroon ng oras para sa pamamahinga at libangan. Kumain ng malulusog na pagkain. Lumakad paminsan-minsan. At huwag kalimutang parangalan ang sarili. Ang kaunting down time ay malaki ang magagawa.

Close-up of  woman sleeping in bed.

Magkaroon ng Sapat na Pahinga

Kapag hindi sapat ang iyong tulog, magiging masyado kang pagod upang kayanin ang stress. At, ang stress ay makakapigil upang makatulog ka nang mahimbing o pananatilihin ka nitong gising. Kung mangyari ito sa iyo, subukang magbasa o makinig ng nakakakalmang musika bago ka matulog.

Magkaroon ng Oras para sa Sarili

Sa panahon ngayon, kalimitan na mas marami ang dapat gawin sa loob ng napakaikling panahon. Maaaring mahirap magkaroon ng oras para sa sarili. Subalit subukang gamitin ang ilang minuto kada araw na gawin ang nais mo. Ito ay makakabuti sa kalidad ng iyong buhay at sa iyong mental na pananaw. At, mas magiging makabuluhan ka sa pangangasiwa ng pang-araw-araw mong gampanin. At mas magiging mabuti ang iyong kasipan sa pagkaya sa stress.

Kumain nang Tama

Mabilis harapin ang stress sa pagkain ng chichirya o pag-inom ng kape. Ito ay maaaring magbigay ng mabilis na kalakasan subalit maaaring umubos ng iyong enerhiya mamaya. Upang panatilihing matatag ang antas ng iyong enerhiya, kumain nang malusog at magmiryenda sa tahanan o sa trabaho. Subukan na huwag malaktawan ang pagkain. Panatilihin ang diyetang mababa sa taba na mayaman sa whole grain at sariwang prutas at gulay.

Palusugin ang Iyong Espiritu

Kapag nakakapagod ang buhay, mabilis mong makalimutan kung ano ang iyong mga pinahahalagahan at layunin. Upang maiwasan itong mangyari, alamin kung ano ang pinakamahalaga sa iyong buhay. Itanong sa sarili, "Ano ang pinakahahanap-hanapin ko kung magsimula ako ng panibagong-buhay sa ibang lugar? Ang aking trabaho? Aking pamilya o mga kaibigan? Bagay na gustung-gusto kong gawin?" Pagkatapos ay ituon ang pag-akap sa mga pinahahalagahan mo at kung ano ang nais mong matupad sa iyong buhay.

Manatili sa Pagkilos

Ang ehersisyo ay tumutulong na maalis ang negatibong enerhiya ng stress. Ang paggawa ng aktibong bagay na nais mo ay makakatulong na maalis ka sa mga sitwasyong nakaka-stress. Subukang lumakad, mag-jog, mag-skate, lumangoy, sumayaw, kumuha ng fitness class, o maglaro ng team sport sa karamihang araw. O, sanayin ang yoga o tai chi, na makakatulong upang makapagpahinga ka.

Bigyan Kulay ang Iyong Buhay

Ang ilan sa mga bagay na maaaring nais mong gawin ay nakalista sa ibaba. Itsek ang mga bagay na gusto mong subukan. Pagkatapos ay dagdagan mo ito.

  • Subukan ang bagong hobby

  • Magplano ng masayang paglalakbay

  • Makipagtanghalian sa isang kaibigan

  • Mag-aral ng bagong isport o laro

  • Manood ng sine

  • Pumasok sa klase upang matutunan ang bagay na dati mo nang gustong matutunan

 

 
 Visit Other Fairview Sites 
 
 
(c) 2012 Fairview Health Services. All rights reserved.